Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Arnold, overwhelmed at di pa rin makapaniwala ang aktor sa karangalang ipinagkaloob sa kanya ng Cinemalaya.
"I never expected this, not at all. Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala na nanalo ako. Nung tinawag ako sa stage to receive the award at para magpasalamat, di ko alam kung ano ang sasabihin ko. Basta isa-isa na lang pumasok sa isip ko lahat ng gusto kong pasalamatan.
"Siyempre yung manager ko si Mr. Boy Abunda who is also the producer of Astig. Our director Direk GB Sampedro, Noel Ferrer, at sa lahat ng mga kasama sa paggawa ng pelikulang ito. This is my first award. Ito yung kauna-unahang award na natanggap ko sa acting, so, I'm very, very honored and thankful."
Matagal na rin sa indie films business si Arnold, pero aminado si Arnold na ang role niya sa Astig ang pinakamahirap at pinaka-challenging sa lahat ng nagawa niya.
"Marami na akong nagawa, but this is my biggest role na nagawa ko at pinakamahirap, kasi nag-aral ako ng ibang lengguwahe at saka ibang tao ang pinortray ko dito at nagbunga naman ang lahat ng pag-aaral at paghihirap na ginawa ko, so, ang sarap ng feeling."
Kamakailan, nag-guest sa telesreyeng Only U ng ABS-CBN si Arnold. Masaya rin niyang ibinalita sa PEP na kasama din siya sa In My Life ng Star Cinema kung saan makakaeksena niya ang Star For All Seasons na si Gov. Vilma Santos-Recto.
"Maganda ang role ko dun, medyo nakakatawa, manugang ako ni Ate Vi, medyo inis siya sa akin. Medyo comedy ang dating, kakaiba ang dating, so, maganda. Saka siyempre, napakalaking karangalan din to work with Ms. Vilma Santos, John Lloyd [Cruz] and Luis [Manzano]."
0 comments:
Post a Comment