MANILA - Umabot na sa 44 tao ang naitalang nasawi sa kaguluhan sa Mindanao, habang 53 iba pa ang nasugatan, ayon sa talaan ng National Disaster Coordinating Council (NDCC).
Sa GMA news Flash Report nitong Sabado, sinabing pinakamarami sa bilang ng mga nasawi ay mula sa Lanao del Norte (33), kasunod ng North Cotabato (6), Sarangani (2), Basilan (2) at Shariff Kabunsuan (1).
Idinagdag sa ulat na 10,120 pamilya ang nagsisiksikan sa mga evacuation centers, habang 20,522 pamilya naman ang naghahanap ng masisilungan.
Samantala, tiniyak ng liderato ng militar na nakahanda ito sa anumang pag-atake na maaaring gawin ng mga grupo na nagkikisimpatya sa Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Sa isang press briefing, sinabi nina Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. at AFP chief of staff Gen. Alexander Yano na nakataas ang alerto ng militar sa iba’t-ibang bahagi ng bansa bilang paghahanda sakaling may grupong sumalakay upang makisimpatya sa MILF.
Noong nakaraang linggo, nagmungkahi si exiled Communist Party of the Philippines (CPP) supremo Jose Ma."Joma" Sison na magsanib sila ng pwersa ng MILF upang labanan ang gobyerno.
Iginiit nina Teodoro at Yano na nasa “active defense" position ang MILF dahil sa isinasagawang operasyon ng AFP upang tugisin sina MILF commander Umbra Kato at Abdulrahman Macapaar, alias Commander Bravo.
Ang dalawa ay itinuturong nanguna sa pagsalakay sa mga sibilyan sa ilang bahagi ng Mindanao nitong nagdaang mga linggo.
Sa hiwalay na press conference sa kampo ng MILF sa Camp Darapanan sa Central Mindanao nitong Sabado ng umaga, sinabi ni chairman Al-Haj Murad na nakahanda ang kanilang pwersa laban sa anumang pagsalakay ng militar.
Idineklara rin ni Murad na hindi nito isusuko ang dalawang kumander na kinasuhan ng pamahalaan kaugnay sa pagsalakay sa mga sibilyan.
Idinahilan ni Murad na bilang mga "rebolusyunaryo" ay hindi saklaw ng batas ng Pilipinas sina Kato at Bravo.
Nagbabala rin si Murad na posibleng bumagsak ang usapang pangkapayapaan dahil sa patuloy na isinasagawang operasyon ng militar partikular sa Maguindanao at Shariff Kabunsuan.
Source: GMANews.TV

0 comments:
Post a Comment