Sa press conference para sa September 2009 issue ng FHM na ginanap noong August 31, sa Hotel Intercontinental Makati, ay ikinuwento ni Cristine ang mga nangyari sa kanyang pictorial na ginawa sa kahabaan ng South Luzon Expressway (SLEX).
"Noong ginagawa na yung shoot sa SLEX, sobrang relax lang lahat. Nagkaroon pa ng time na parang uulan at umulan nga! Lahat kami nagpi-pray. So, ang ginawa ko, nag-sundance ako dun! Ginaya ko na lang si Sarah Geronimo [sa A Very Special Love]! Pero ano, sobrang okey lahat, sobrang smooth," lahad ni Cristine.
Kung ire-recall ang first pictorial ni Cristine sa FHM two years ago—August 2007—parang hirap na hirap siya to the point na naiyak pa siya habang ginagawa ang pictorial. Pero ngayon, mas kumportable na ba siya?
"Kasi yung una, yung cover ko sa FHM, yun talaga ang first ko. So, talagang kinakabahan pa ako nun. Hindi pa ko sanay na mag-pose nang sexy, na naka-bikini, kaya medyo mahirap.
"This September issue, tuwang-tuwa ako. Kasi yung kinalabasan ng first, sobrang ganda! So, mas ready na ako dahil marami na rin akong nagawa before. Mas confident na rin ako sa sarili ko, at nandoon yung tiwala ko sa FHM, kasi magaling sila. Aminin na natin yun," sabi ng young sexy actress.
Napa-"Ganun?" si Cristine nang hingan namin ng reaction sa sinabi ni Robin Padilla—na ka-back-to-back cover niya sa September issue ng FHM—na maganda raw ang mga mata niya at nakikita ng action star ang sarili nitong reflection.
"Compliment ba yun? Thank you," nakangiting sabi ni Cristine.
MOVIE WITH RICHARD. Bukod sa pagiging FHM cover girl, si Cristine na ang ka-partner ni Richard Gutierrez sa horror film na Patient X under Viva Films and GMA Films. Pinalitan ni Cristine si Heart Evangelista na nagka-appendicitis at kinailangang operahan.
May balita na kesyo nagkabulol-bulol daw si Richard nang makita siya sa shooting. Totoo ba ito?
"Well, siguro kasi, ang tagal naming hindi nagkita ni Richard, e. So, siguro ngayon lang ulit niya ako nakita. Pareho kaming parang, 'Uy, kumusta ka na?' Although noong first take namin, medyo nangangapa-ngapa pa siya," kuwento ni Cristine, na nagsimula sa GMA-7.
Nagkanda-bulol nga ba si Richard?
"Oo, medyo," nakangiting sabi ni Cristine.
How does she find Richard?
"Sa shooting, mabait naman siya. Kapag nagsi-setup, palagi kaming magkausap. And yun, minsan naiilang ako kasi nakakailang. Parang sobra siyang makatingin. Parang, 'May dumi ba ako sa mukha?' Sinabi ko talaga sa kanya yun na grabe siyang makatingin."
Ano ang naramdaman niya nang malaman niyang siya ang ipinalit kay Heart bilang leading lady ni Richard?
"Noong nalaman ko, parang, 'Anong movie 'to?' Kasama ko nga raw si Richard Gutierrez. Ah, Richard... GMA Films, tapos Viva Films. So, noong malaman ko ang role, sobrang natuwa ako kasi very challenging siya.
"Sobrang happy ako kasi ako ang naisip nila. Sobrang maraming puwedeng ipalit, ako pa? At saka, thankful din ako kay Tita Annabelle [Rama, mother and manager of Richard], at thank you rin ako sa lahat... Kay Direk Yam Laranas, kay Chard, sa manager ko, and sa lahat."
Marami ang nakakapansin na kapag walang lovelife si Cristine, tulad ngayon, ay saka naman gumaganda ang career niya.
"Oo, parang ganoon na nga ang nangyayari," pagsang-ayon niya. "Kasi, mas may time ka sa sarili. So, lahat-lahat, tanggap ka lang nang tanggap."
Hindi kaya dahil di magaan ang mga nagiging relationship niya?
"Siguro kasi, seryoso ako kapag na-in love. Siguro sa ngayon, mas gusto ko na lang na magsaya. Na single ako," sabi ni Cristine.
STILL A KAPAMILYA. Sa September 10 ay pupunta si Cristine sa Korea para sa Seoul International Drama Awards, kung saan nominated siya bilang Best Actress para sa kanyang teleserye noon sa ABS-CBN na Eva Fonda. Makakalaban niya rito ang ilang aktres sa Korea at ibang bansa.
"Sana manalo, ipagdarasal ko 'yan. Pero, siyempre, ma-nominate ka pa lang dun, di ba, wow!" sambit niya.
Naging open si Cristine noon sa kagustuhan niyang bumalik ulit sa GMA-7. Pero kung titingnan, tila lahat ng magagandang nangyari sa career niya ay nangyari noong nasa ABS-CBN niya. Ano ang masasabi niya rito?
"Oo, tama... So, kaya nga na-realize ko na mag-stay. Dito ko na-experience lahat ng gusto kong mangyari sa career ko. Sobrang thankful nga ako sa career ko dahil hindi nila ako pinabayaan kahit na anong mangyari."
Ang next project ni Cristine sa ABS-CBN ay ang bagong episode ng Precious Hearts Romances, kung saan siya ang gaganap sa role ni Jewel Fortalejo.
0 comments:
Post a Comment