Friday, August 7, 2009

Sen. Noynoy Aquino: Photos of her rumored GF spread on the net


Sen. Noynoy Aquino: Photos of her rumored GF spread on the net. Sa speech ni Kris Aquino sa Requiem Mass para sa pumanaw niyang ina na si dating Pangulong Cory Aquino last August 5, binanggit ng TV host-actress na narinig niyang nagsalita ang kanyang anak na si Josh na: "Please, Tito Noy, never get married."

Ang tinutukoy na "Tito Noy" ni Kris ay ang nag-iisang kapatid niyang lalaki na si Senator Benigno “Noynoy" Aquino III. Pero idinagdag din ng bunsong anak ng Pangulong Aquino, kung saan masaya ang kanyang kuya ay "puwede na rin."

Lingid sa kaalaman ng marami, mayroon umanong girlfriend ngayon si Noynoy. Ito ay ang Valenzuela City councilor na si Shalani Soledad.

Ayon sa report ng People's Tonight, isa si Shalani sa nagpunta sa unang gabi ng lamay ni Gng Aquino noong August 5 sa La Salle Greenhills. Pero sinadya raw ng konsehala na nakasuot ng itim gaya ng karamihang nakikiramay, pero nakadistansiya kay Noynoy. May mga pagkakataon din umano na tahimik na nakatayo siya sa tabi ni Kris.

Ayon sa impormasyong nakalap ng PEP (Philippine Entertainment Portal), si Shalani ay 29 years old at nagtapos ng kursong Human Resource Management sa De La Salle University-College of Saint Benilde. Nagtrabaho raw si Shalani bilang executive staff ni Senator Panfilo Lacson bago siya nahalal na konsehal ng Valenzuela City.

Kumakalat na ngayon sa Internet ang ilang istorya at mga litrato ni Shalani na kuha sa kanyang Facebook at Friendster accounts.

Sa ngayon, kung totoo nga ito, hindi pa isinasapubliko ni Noynoy ang relasyon nila ni Shalani. Pero sa isang interview ay inamin niya na kinukulit na siya ng yumaong ina na lumagay na sa tahimik dahil lagpas na siya sa marrying age.

Si Noynoy ay 49 years old na.

Naging balita noon ang pagkaka-link ni Noynoy sa broadcasters na sina Korina Sanchez at Bernadette Sembrano, at maging sa sexy star na si Barbara Milano. Pero walang inamin o itinanggi ang nag-iisang anak na lalaki ng yumaong Cory at Ninoy Aquino tungkol sa mga balitang ito.

0 comments: